![]() |
Marvilla Beach Resort |

Isa ito sa mga magagandang dagat na makikita dito sa Cagayan de Oro, ang marvilla beach dito sa Opol. Ito ay naganap noong unang linggo ng hunyo. Napagpasyahan namin mag kaklase na mag bonding kami bago magsimula ang pasukan. Kahit di kami kompleto noon at masaya parin dahil nagkita-kita ulit kami magkaklase pagkatapos ng ilang buwan na bakasyon.
![]() |
Sonrisa Vista Beach Resort |
Sonrisa Vista beach resort ay matatagpuan sa cagayan de oro, sa bayabas at naging patok ito noong 2013. Ito ay naganap noong ika-26 ng hunyo sa kaarawan ng isa sa malapit kong kaibigan na kaklase ko noong juniot high pa kami. Muli kaminb nagtipon-tipon ng aking mga kaklase dati at makikita mo sa larawan na kasama ko sila. Masaya kaming nag kwentuhan tungkol sa pag-aaral, sa mga bagay na nagbago na ngayon dahil ay may iba-iba na kaming mga landas.

![]() |
The Backyard Grill |

The Backyard Grill ay matatagpuan sa divisoria cagayan de oro. Isa itong dessert shop na restawran. Kasama ko dito ay ang aking kasintahan o ka-ibigan sa aking paglalakbay. Masarap ang pagkain dito. May spicy ramen, fries, shake at iba pa. Hindi lang puro pagkain makikita mo, may magagandang larawan at disenyo ang kanilang kainan na talagang nakakamangha.
![]() |
Chills Family Ktv Bar |
Chills Family Ktv bar ay makikita niyo sa Divisoria Cagayan de oro, pabayo. Ito ang minsan na ginagawa namin magkaklase para maibsan ang pagod na nararanasan sa paaralan. Kapag kami ay nandito ay nalilimutan namin saglit ang aming problema at kikantahan lang namin ito. Tawanan at kanchawan na ng mga boses at awitin ang isa sa nagbibigay aliw sa amin.



Dito sa lugar na pinuntahan namin ay wala talaga itong pangalan o di ito matatawag na resort. Ito ay naganap noong pagkatapos sa libing ng lolo ko noong siya ang pumanaw. Napagpasyahan ng aming mga kamag-anak na doon magpalipas sa dagat na malapit lang sa tinitirhan ng lolo ko. Kasama ko si Josh sa araw na iyon. Malungkot man isipin na pumanaw na ang lolo ko pero masaya naman na siya ay di na kailanman magdusa at sya ay nakapagpahinga na.
![]() |
Pelaez Sport Center |

![]() |
Mary Rose Grand Carnival |
Mary Rose Carnival ay minsan lang sa isang taon mo makikita at mararanasan ang mga sakayan o mga rides nito tulad ng ferris wheel, sea dragon, bump car, horror house. May iba ring palaro dito, mga sugalan para sa mga matatanda. Kasama ko ang pamilya, pinsan at kasintahan ko noong pumunta kami jan, isa ito sa hinding- hindi ko malilimutan dahil kasama ko sila.
![]() |
Fontana Blue Cold Spring |
Fontana Blue Cold Spring ay matatagpuan sa Jasaan, Misamis Oriental. Isa itong swimming pool at kasama ko dito ang pamilya ni Josh, ay kanyang mga pinsan, Tita, mga pamangkin at iba pa niyang kamag- anak dahil kaarawan ng isa sa kanyang mga pamangkin. masaya sila kasama, at sa kuwentuhan.

![]() |
Mcdo |
Mcdo ay isa sa patok na kainan dito sa Pilipinas, alam natin lahat ito. Sinali ko to sa aking paglalakbay kahit hindi naman sa kagandahan ng lugar ngunit ito ay isa sa hinding- hindi ko malilimutan dahil kasama ko diyan ang aking kapatid, kaibigan at mga pinsan. Marami kaming napagkwentuhan at puro tawanan at asaran kami sa araw na iyan.
Ito ay kaarawan ng aking tatay. Hindi man ako naglalakbaydahil dito lang ito naganap sa bahay ay isa ito sa masasayang araw ko na makita ko yung tatay ko na masaya dahil hindi lang dahil sa kaarawan niya kundi nagkakasama kaming kompleto at binigyan siya ng bagong taon na kasama niya ang mga mahal niya sa buhay.
Ang paglalakbay ay isa sa pinakamagandang gawin dahil
hinding-hindi natin maiiwasan ang pagpunta sa mga magagandang lugar lalo na’t
kasama natin ang ating mahal sa buhay. Noong sembreak, pumunta kami ng Jesper
Beach kasama ang aking mga kaibigan. Isa iyon sa magandang alaala na
hinding-hindi ko malilimutan. Doon mo makikita ang magandang tanawin at
masisinghap ang simoy ng hangin. Kahit konti lang kami magkaibigan ang
nagkasama ay masaya parin. Bumili kami n gaming makakain katulad ng sinugbang isda,
kinilaw, mga chichirya at bumili rin kami ng maiinom. Pagkatapos ay
nagkuwentuhan kami, naglaro ng volleyball at naligo sa dagat. Kahit konti lang
ang oras na nailaan naming ay hinding hindi ko malilimutan ang aming
paglalakbay.
![]() |
Jesper Beach |
![]() |
Plaza Divisoria |
Itong paglalakbay ay naganap noong nakaraang huwebes sa
Plaza Divisoria na tinatawag ding “Golden Friendship Park” kasama sa
paglalakbay namin ang aming guro at mga kaklase ay ang pagbibibigay ng pagkain
sa mga pulubi, sa mga bata at matatanda na doon na natutulog o walang tirahan
at kapos sa buhay. Masayang makita ang kanilang mga ngiti at kahit papaano ay
nakakatulong ka sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain. Ito ay isa
sa magandang karanasan na naganap sa aming paglalakbay.
![]() |
Jesus Nazareno Parish |
Pagkatapos ng aming work immersion kasama ko sa paglakbay
ang aking ka-ibigan. Pinuntahan naming ang isa sa malaking simbahan, ang Jesus
Nazareno Parish o tinatawag ring Shrine of Black Nazarene na matatagpuan sa
Claro M. Recto Avenue. Isa sa magandang simbahan sa Cagayan de Oro na pwedeng
puntahan ng mga tao. Ma’s ito’y gumanda ng natapos ang kanilang pagsasaayos
nito. Nagsimba at nagdasal kami. Pagkatapos ay kumain at nagkuwentuhan saglit.
Ilang sandali, napagdesisyonan namin na dahil nandito na kami ay pupunta muna
kami sa isang Mall na malapit lang sa pinuntahan at pinagkainan namin.
![]() |
Centrio Mall |
Sa aming paglalakbay dito sa Centrio Mall ay hindi lang mga
Christmas lights ang makikita mo. Mas nakakamangha ang isang malaking Christmas
tree. Makikita mo sa larawan kung gaano kaganda ang pagawa nito. Maraming tao
ang kumukuha ng larawan at namangha sa ganyang kalaking Christmas tree.
Nakakaaliw pag masdan ang mga ito. Dahil dito mas mararamdaman mo na malapit na
ang pasko.
Ang paglalakbay ay masaya kapag kasama mo ang mahal mo sa
buhay tulad sa mga kaibigan, kaklase, pamilya at mga espesyal na tao sa buhay.
Di man gaanong kalayuan ang pinuntahan namin dahil makikita lang dito sa
Cagayan de Oro ay nagdulot parin nito ang kasiyahan sa bawat isa sa amin.
No comments:
Post a Comment